May 21, 2026

Home BALITA National

Libreng sakay ng OVP, tuloy sa gitna ng mataas na presyo ng langis

Libreng sakay ng OVP, tuloy sa gitna ng mataas na presyo ng langis
Photo courtesy: OVP


Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na magpapatuloy ang libreng sakay ng Office of the Vice President (OVP), kasabay ng mataas na presyo ng produktong petrolyo sa kasalukuyan.

Bunsod ito ng patuloy na sigalot na nagaganap sa mga bansa sa rehiyon ng Middle East, partikular na ang Amerika, Israel, at Iran.

Sa pakikipanayam ni VP Sara sa media nitong Huwebes, Abril 9, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng nasabing libreng sakay para sa taumbayan.

“Ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay mayroong proyekto na libreng sakay para sa lahat; at ito ay sa proyekto na sinimulan noong 2022 dahil nakita namin na kailangan talaga ng tulong ng ating mga kababayan in terms of savings, sa daily expenses nila,” saad ni VP Sara.

“Ito ay tutuloy lalo na ngayong mayroong krisis at mayroong sobra at biglaang pagtaas ng presyo ng mga produkto,” giit pa niya.

Matatandaang inilabas kamakailan ng OVP ang schedule at listahan ng mga rutang seserbisyuhan ng libreng sakay ng nabanggit na tanggapan.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Schedule at ruta ng libreng sakay program ng OVP-Balita