Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa kabataang magpapakalat-kalat pa raw sa kalsada tuwing gabi.
Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Abril 6, 2026, inihayag ni Remulla ang tinatawag na “enhanced curfew ordinance” na ikakasa para sa kabataang nasa edad 18 taong gulang pababa.
“Meron na tayong enhanced curfew ordinances para sa mga 18 years old and below. 'Pag hindi kayo nag-aaral o nagtatrabaho, proof of employment or proof of education na nag-aaral kayo sa oras na 'yon, pauwi kayo, bawal na kayo sa kalye after 10pm,” anang DILG Secretary.
Binigyang-diin din niya ang mensahe naman niya para sa naman sa ilang kabataang geng geng at tumitira umano ng rugby.
“Umuwi na kayo sa mga bahay n'yo. Yung mga rugby boys d'yan, yung mga geng geng d'yan, yung mga g*go sa kalye sa d'yan, magtago na kayo, umuwi na kayo. 'Pag 10 o'clock huhulihin namin kayo,” saad ni Remulla.
Tiniyak din ni Remulla na patuloy pa ring bababa ang krimen sa bansa sa pagpapatupad nila ng mga mahihigpit na ordinansa, lalo na sa mga lansangan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
“We will make the Philippines safer. This is the safer streets initiatives, makakaasa po kayo na ang krimen ay bababa,” saad pa niya.
Matatandaang ayon sa tala ng Philippine National Police (PNP) focus crime rate sa bansa mula Pebrero 1 hanggang 28, 2026. Tinatayang nakapagtala na lang sila ng 2,269 krimen, na mababa mula sa 2,835 noong Pebrero 2025.