Nakatanggap ng masigabong palakpakan at standing ovation ang isang Pilipina mula sa audience at mga hurado ng international contest na “Britain’s Got Talent (BGT).”
Mapapanood sa latest episode ng BGT noong Sabado, Abril 4, na lubos ang naging pagkamangha ng mga hurado at manonood sa singer na si Kristel Herrera habang ibinibirit niya ang kantang “Run to You” ni Whitney Houston.
“Honestly, that was unbelievable. Your husband must be over the moon being able to hear that every day of his life. I want to see more,” hindi makapaniwalang saad ng YouTuber at huradong si KSI.
“Wow, Kristel! That was sensational! Absolutely outstanding. Like, your technique was 10 out of 10. Absolutely fantastic, I loved it,” puri ng singer at rapper na si Alesha Dixon.
Habang inamin naman ng media personality at aktres na si Amanda Holden na siya na-”blown away” sa naging performance ni Kristel, at bagama’t mukhang mahiyain ang singer, tila naging “diva” ito ng magsimula ng kumanta.
“Honestly, I am blown away by that entire performance. And what I’m finding extraordinary is how sort of little and shrunk you are, and when you sang, you turned into a complete diva,” ani Amanda.
Hiling naman ng TV personality at hurado ding si Stacey Solomon na mas maging mataas pa ang kumpiyansa ni Kristel sa sarili dahil sa angkin niyang galing.
“I look at you and I don’t think you realize just how incredible you are. The way you go from head voice to chest voice so effortlessly is unbelievable. And I really hope that you get more confidence because you’re incredible,” ani Stacey.
Dahil sa “mind blowing” na performance na ito, aabante si Kristel sa susunod na round, kung saan, makikipagtunggalian siya para sa semi finals.
Samantala, si Kristel ay kasalukuyang naninirahan sa Halifax, West Yorkshire, kasama ang kaniyang mister.
Matatandaan namang nakuha ng isa pang Pinoy singer na si Matty Juniosa ang “golden buzzer” sa BGT noon namang Marso sa kabila ng pagkabigo sa “Idol Philippines” noong 2019.
MAKI-BALITA: Dating ligwak na contestant sa Idol Philippines, golden buzzer sa Britain's Got Talent