May 14, 2026

Home BALITA

LTFRB sa mga motorista ngayong Semana Santa: 'Keep your cool, avoid road rage!'

LTFRB sa mga motorista ngayong Semana Santa: 'Keep your cool, avoid road rage!'
Photo courtesy: MB


Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga komyuter at motorista hinggil sa pagiging kalmado at mapagpasensya sa kanilang pagbiyahe ngayong Semana Santa.

Kaugnay ito sa inaasahang dagsa ng mga taong bibiyahe kasabay ang paggunita ng Mahal na Araw.

Sa isang pahayag na ibinahagi ng LTFRB nitong Martes, Marso 31, ipinagdiinan nila ang kahalagahan ng disiplina at pag-iwas sa mga insidente ng “road rage.”

“Learn from the lessons of road rage incidents in the past. Wala itong naibubungang maganda at sisirain lang nito ang araw nyo. HIndi kabawasan sa pagkatao at pagka-lalaki ang pagpapasensya para sa kapakanan ng ating pamilya,” saad ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa isang pahayag.

Aniya, “Mataas na ang presyo ng diesel at gasolina, huwag na ninyong dagdagan ng gastos sa pang-piyansa.”

Kasabay nito, matatandaang nag-isyu ang LTFRB ng halos 1,300 special permits para sa mga bus na bibiyahe kasabay ng “Holy Week Exodus.”

“Remember that Holy Week is also a time for reflection. And one of the best ways to observe Semana Santa is to exercise discipline and self-control in times of any incident that challenges your character,” anang chairperson.

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!



Inaasahan din ang pagkapal ng bilang ng mga taong bibiyahe sa mga susunod pang araw.