Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na sila ay magpapatupad ng “Flexiplace arrangement” simula ngayong Lunes, Marso 30 hanggang sa darating na Huwebes, Abril 1.
Ito ay isang abiso na inisyu ng CSC kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Paglilinaw nila, patuloy naman daw ang operasyon ng “frontline services,” na siyang magtatrabaho “onsite” at mayroon ding “skeletal workforce.”
Anila pa, ang inisyatibong ito ay ibinaba bilang parte ng kanilang pakikibahagi sa “travel ease,” pagtitipid sa enerhiya, at bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magnilay ngayong Mahal na Araw.
Samantala, maging ang ilang sistema ng transportasyon ay nagkansela na rin ng operasyon kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Kabilang na rito ang LRT-1, LRT-2, at MRT-3, na siyang babalik-operasyon sa darating na Lunes, Abril 6.
KAUGNAY NA ULAT: DOTr, inanunsyo libreng sakay sa mga piling lugar sa NCR-Balita
Photo courtesy: Philippine Civil Service Commission/FB