May 09, 2026

Home BALITA

FPRRD, tanggap na ang kapalaran sa ICC—Vic Rodriguez

FPRRD, tanggap na ang kapalaran sa ICC—Vic Rodriguez
Photo Courtesy: City Government of Davao (FB), via MB

Tila tinanggap na umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran niya sa The Hague, Netherlands, kung saan siya nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity.

Sa ginanap na ika-89 Araw ng Dabaw nitong Sabado, Marso 28, ibinahagi ng dating executive secretary na si Atty. Vic Rodriguez ang minsang naikuwento sa kaniya ni Davao City Mayor Baste Duterte tungkol sa ama nito.

"Sinubukan nilang sirain ang katatagan ni Tatay Digong. Subalit nang kinumusta ko kay Mayor Baste ang kalagayan ni Tatay Digong. Ang tugon niya, 'Okay naman siya subalit siyempre hindi okay dahil nakakulong,'” lahad ni Rodriguez.

Dagdag pa niya, “Kanya lamang, sinabi ho sa kaniya ni Tatay Digong na tanggap na niya ang kaniyang kapalaran kung ano man ang kaniyang kahahantungan. Kaya lalo ho akong na-inspire do’n sa katagang binitawang iyon ni Tatay Digong.”

Kaya apela ni Rodriguez sa publiko, huwag sanang sayangin ang legasiyang iniwan sa Pilipinas ng dating Pangulo.

11 lugar sa bansa, nasa 44°C 'danger level' heat index ngayong Mayo 8

Sa kasalukuyan, ito na ang pangalawang beses na nagdiriwang si Duterte ng kaniyang kaarawan sa The Hague. 

Matatandaang sinilbi noong Marso 11, 2025 ang arrest warrant ni Duterte mula sa International Criminal Court (ICC) matapos niyang bumalik sa Pilipinas galing Hong Kong.

Basahin: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges