May 16, 2026

Home BALITA

Rep. Diokno sa DOTr, DSWD: 'Pakiayos naman ang trabaho!'

Rep. Diokno sa DOTr, DSWD: 'Pakiayos naman ang trabaho!'
Photo Courtesy: Chel Diokno (FB)

Pinuna ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang kapalpakan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) pagdating sa pamamahagi ng ayuda.

Ito ay kaugnay sa na-highblood na driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) matapos matuklasang wala siya sa listahan ng mga makakatanggap ng kaukulang tulong mula sa gobyerno.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Marso 27, sinabihan niya ang dalawang ahensya na ayusin ang trabaho.

“Pakiayos naman ang trabaho, DSWD at DOTr! Hirap na nga ating mga kababayan, pati ba naman sa pagkuha ng tulong, pahihirapan niyo pa,” saad ni Diokno.

Dagdag pa niya, “Ayusin niyo ang sistema sa pamamahagi ng tulong at tiyakin na lahat ng benepisyaryo ay mabibigyan. Walang dapat maiwan sa ating mga kababayang nangangailangan.”

National

‘Your loyalty must remain to the constitution!’ PBBM, nagpugay sa ‘Talang Dangal’ PMA Class of 2026

Samantala, humingi naman na ng paumanhin si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa TNVS driver na tumaas ang blood pressure dahil sa nangyari.