May 21, 2026

Home BALITA Metro

Concessionary beep cards, suspendido na sa mga istasyon ng tren simula Marso 30

Concessionary beep cards, suspendido na sa mga istasyon ng tren simula Marso 30
Photo courtesy: Beep (website)

Pansamantalang itititgil ang pamamahagi ng concessionary beep cards para sa mga estudyante, senior citizens, at Persons with Disabilities (PWDs) sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula sa Lunes, Marso 30. 

Ayon sa anunsyo ng pamunuan ng beep card noong Huwebes, Marso 27, ang suspensyon ay dahil sa pagbaba ng bilang ng concessionary beep cards na na-isyu nitong mga nagdaang buwan at ang kamakailang pagpapatupad ng 50% diskwento sa pamasahe sa LRT-2 at MRT-3 simula noong Lunes, Marso 23. 

Kaya abiso ng beep card sa publiko, mangyari lamang na mag-abang sa mga susunod nilang anunsyo hinggil sa magiging bagong proseso ng concessionary beep card. 

Matatandaang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko noong Marso 19 na bibigyan nila ng 50% discount ang lahat ng pasahero ng MRT-3 at LRT-2 simula Marso 23 upang matulungan ang mga pasahero na makatipid sa kanilang pagbiyahe sa kasagsagan ng pagtataas ng produktong-petrolyo. 

MAKI-BALITA: 50% na diskwento sa MRT-3 at LRT-2 para sa lahat ng pasahero, epektibo sa Lunes!

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout