May 22, 2026

Home BALITA

Seafarer, panalo ng ₱45M sa lotto; 'di na sasampa ng barko!

Seafarer, panalo ng ₱45M sa lotto; 'di na sasampa ng barko!
PCSO

Hindi na sasampa ng barko ang isang seafarer at tuluyan na niyang makakasama ang kaniyang pamilya matapos manalo ng ₱45 milyon sa Grand Lotto 6/55.

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Marso 24, 10 taon na tumataya ang lucky winner ng Grand Lotto 6/55, na binola noong Marso 9.

Nahulaan ng bagong milyonaryo, ang winning numbers na 38-32-08-20-19-09 na may tumataginting na premyong P45 milyon.

Nang kubrahin ang premyo, sinabi ng lalaking winner na ilang taon na siya nagtatrabaho bilang isang seafarer at tinitiis ang mga hamon ng pagigng malayo sa pamilya.

Dahil sa napanalunang  ₱45 milyon, napagdesisyunan niyang hindi na sumampa sa barko. Katunayan, pipirma na dapat siya ng panibagong kontrata. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Plano naman niyang gamitin ang pera sa pagbabayad ng utang at magsimula ng negosyo kasama ang pamilya sa Negros Occidental.