Nagpakawala ng tirada sa Sen. Imee Marcos sa mga aniya’y impeachment at pamumulitika ang inaatupag sa gitna ng patong-patong na problema ng Pilipinas.
Maki-Balita: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Miyerkules, Marso 25, tinanong niya kung nasaan umano ang kaluluwa ng mga opisyal para magsilbi sa bayan.
“May namumuong digmaan, 140 per litro na ang diesel. Hindi na namamasada ang mga tsuper; wala nang makain ang mga magsasaka; magse-Semana Santa—ang inaatupag n'yo ay impeachment at pamumulitika,” saad ni Sen. Imee.
Dagdag pa niya, “Nasaan ang kaluluwa n'yo para magsilbi sa bayan? Binulag na kayo ng paghihiganti at kasakiman sa kapangyarihan.”
Ngayong araw, Marso 25, inilunsad ang four-day “mini-trial” para sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ngunit nauna nang umabiso na hindi makakadalo ang Bise Presidente ayon mismo sa legal team spokesperson nitong si Atty. Michael Poa.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, iniimbitahan ng Kamara na dumalo sa isang meeting sa Marso 25
Samantala, handa naman nilang tanggapin ang ipapadalang subpoena laban kay VP Sara.
Maki-Balita: Atty. Michael Poa, handang tanggapin subpoena ng Kamara!