May 21, 2026

Home BALITA National

PNP, suportado deklarasyon ni PBBM ng national energy emergency

PNP, suportado deklarasyon ni PBBM ng national energy emergency
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, PNP/FB


Nagpaabot ang Philippine National Police (PNP) ng pagsuporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magdeklara na ng national energy emergency, kasunod ang posibilidad ng pagkaantala sa produksyon ng iba’t ibang mga produkto, kabilang na ang langis o krudo.

Kaugnay ito sa patuloy na sigalot ng mga bansa sa Middle East, partikular na ang mga bansang Israel at Iran.

MAKI-BALITA: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!-Balita

Sa isang pahayag na ibinahagi ng PNP noong Martes ng gabi, Marso 24, tahasan nilang sinabi na katuwang ng gobyerno ang pulisya sa mga ganitong uri ng sitwasyon.

“The Philippine National Police (PNP) fully supports the declaration of a State of National Energy Emergency, recognizing the need for coordinated action to address challenges affecting the country’s energy supply,” saad ng PNP.

Anila, “Kaisa ang PNP ng pamahalaan sa pagtugon sa hamong ito, at sisiguraduhin namin ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang mamamayan.”

Tiniyak din ng ahensya na sila ay handa, at magpapatuloy na maging mapagmatyag upang mabantayan ang kaayusan at kapayapaan sa gitna ng kasalukuyang estado ng bansa.

“Police forces nationwide are on heightened readiness to secure key installations, critical infrastructure, and communities. The PNP will monitor and address any activities that may disrupt public order, assuring the public of its full capability to protect every Filipino,” anang ahensya.

“We call on everyone to stay informed, remain cooperative, and practice responsible energy use. Sa pagtutulungan at disiplina ng bawat isa, malalampasan natin ang hamong ito,” pagtatapos nila.

Photo courtesy: PNP