May 22, 2026

Home BALITA

Kababaihan, mas mapanuri sa paligid dahil sa potensyal ng panganib—pag-aaral

Kababaihan, mas mapanuri sa paligid dahil sa potensyal ng panganib—pag-aaral
Photo Courtesy: UN-Habitat (FB)

Isinapubliko ng United Nations Human Settlements Programme (UN-Habitat) ang resulta ng isang pag-aaral tungkol sa magkaibang pagtingin ng babae at lalaki sa paligid.

Sa isang Facebook post ng UN-Habitat kamakailan, sinabi nilang isinagawa ang nasabing pag-aaral sa Utah, United States of America (USA).

Sinarbey ng mga mananaliksik ang 571 college students sa mga campus ng Utah gamit ang heat maps para subaybayan ang atensyong pinagtutuunan ng mga kalahok kapag naglalakad nang mag-isa.

Ayon sa lumitaw na resulta, nakapokus lang ang mga lalaking kalahok sa daang tatahakin nila hindi tulad sa mga babae na mas mapagmatayag dahil sa potensyal ng peligrong maaaring pagmulan tulad ng anino o madilim na sulok.

Lalo umanong lumalaki ang pagkakaibang ito pagdating ng gabi. Mas itinuturing ng kababaihan na mapanganib ang mga daan sa labas sa ganitong mga oras. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samakatuwid, pinapatunayan ng nasabing pag-aaral ang malaking agwat ng persepsyon ng mga lalaki at babae sa ginagalawan nilang kapaligiran.

Kaya sa pagdidisenyo umano ng isang ligtas at holistikong komunidad, higit sa mga pailaw at reactionary apps, kinakailangang ikonsidera rin ang araw-araw na sitwasyon ng bulnerableng sektor kagaya ng kababaihan.