May 21, 2026

Home BALITA

Babae, 20 beses pinagsasaksak ng pinsan sa loob ng bahay!

Babae, 20 beses pinagsasaksak ng pinsan sa loob ng bahay!

Patay ang isang 25-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin nang mahigit 20 beses ng kaniyang pinsan sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro noong Martes, Marso 24, 2026.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasaksihan ng pitong taong gulang na anak ng biktima ang krimen at itinuro ang kaniyang tiyuhin, na 26-anyos, bilang suspek.

Nagawa pang makatakas ng bata at humingi ng tulong sa mga kapitbahay matapos ang insidente.

Ayon sa kinakasama ng biktima, posibleng may kinalaman sa insidente ang umano’y pangungutang ng suspek sa biktima bago naganap ang krimen, bagamat patuloy pa itong sinisiyasat ng mga awtoridad at hindi pa itinuturing na pangunahing motibo.

Naaresto ang suspek at dinala sa ospital matapos magtamo rin ng sugat. Inaasahan na kakasuhan siya ng murder.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Samantala, nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ng biktima upang maiuwi ang kaniyang labi sa kanilang bayan sa Cabanglasan.