May 22, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Janine Teñoso sa paglaganap ng AI music: ‘Anyare na?’

Janine Teñoso sa paglaganap ng AI music: ‘Anyare na?’
Photo Courtesy: Janine Teñoso, Pexels

Tila maging ang singer-songwriter na si Janine Teñoso  ay windang sa dominasyon ng AI-generated music sa kasalukuyan.

Si Janine ang umawit ng mga kantang “Sandig,” “Palihim,” at, “Hulaan,” na ginawaran noong Enero sa ginanap na Wish Music Awards bilang “Wishclusive Contemporary R&B/Neo-Soul Performance of the Year.”

Sa isang X post ni Janine kamakailan, sinabi niyang puro AI-music na lang daw ang naririnig niyakahit saan siya sumakay.

“[K]ahit saan ako sumakay puro ai music bruh hahahaha anyare na,” saad ni Janine.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

"And i hate it. kawawa mga opm musicians natin."

"Sadly ate ganyan na talaga ngayon :( kahit mga existing songs may AI, voice overs and dubbing.. AI na rin :("

"Ang madaklap,Hindi sila aware na ai Ang pinakikinggan nila,hahah"

"Hawak mo ba ang beat atecco???"

"agree! let’s support opm/ppop . ate janine recommend kopo KASALANAN by MlKA SALAMANCA latest song ganda"

"Hawak na kasi ng AI ang beat"

Matatandaang kamakailan lang ay umugong ang kantang “Hawak Mo Ang Beat” na naging trending dance craze na rin kalaunan.

Ngunit gayon na lang umano ang gulat ng ilan nang matuklasan na AI-generated track daw ang nasabing awitin.

Ayon sa ulat ng DZRH, nabuo raw ang kanta gamit ang AI-generated voice ng isang lalaki, na sinadyang pagmukhaing totoo. 

Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging viral nito, hindi pa rin nakikilala ang composer o singer ng “Hawak Mo ang Beat.”

Maki-Balita: Singer, 'di matukoy: Awiting ‘Hawak mo ang Beat,’ AI-generated daw?