May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

In-flight harassment: Anong mangyayari 'pag nahuli kang nanonood ng porn sa eroplano?

In-flight harassment: Anong mangyayari 'pag nahuli kang nanonood ng porn sa eroplano?
Photo courtesy: PNP Aviation Security Group (FB)/Freepik

Nanonood ng pornographic content habang nasa flight? No way!

Ang panonood ng porn (pornography) ay isang akto ng pagtingin o panonood ng mga materyal, video, larawan, o iba pang media, na nagpapakita ng sekswal na gawain o hubad na katawan na may layuning magbigay ng sekswal na aliw.

Bagama't dapat itong ginagawa sa pribado, okay lang ba sa publiko, lalo na kung nakikita ng iba?

Usap-usapan kamakailan ang isang insidente kung saan inaresto ang isang pasaherong senior citizen paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ireklamo ng umano’y pangha-harass habang nasa biyahe mula Los Angeles, California.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) sa kanilang Facebook page noong Marso 20, agad na rumesponde ang mga awtoridad makaraang makatanggap ng impormasyon tungkol sa kaguluhan sa loob ng isang flight.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Pagdating ng eroplano sa NAIA Terminal 1, sinalubong ng mga pulis at aviation security personnel ang mga sangkot at isinailalim sa imbestigasyon.

Sa paunang salaysay, isang matandang babae raw ang nagreklamo laban sa katabing pasahero na umano’y paulit-ulit na nagdulot ng abala sa kaniya, kabilang ang malakas na pagyapak at walang tigil na pag-alog ng mga paa na tumatama sa kaniyang upuan.

Dahil dito, napilitan siyang humingi ng tulong sa cabin crew upang ilipat ng upuan, subalit walang agarang bakante sa oras na iyon.

"Initial findings revealed that while onboard the aircraft, the elderly complainant—seated beside the suspect—experienced repeated acts that caused disturbance and discomfort. The suspect allegedly stomped his feet and persistently shook his legs toward her, prompting the complainant to seek assistance from the cabin crew for a possible seat transfer. However, no alternative seat was immediately available at that time," mababasa sa post.

Pero hindi pa roon nagtapos ang insidente, na mas malala pa. Hindi lamang ito ang reklamo laban sa suspek.

Isang kapwa pasahero naman ang nagsabing lantaran umanong nanonood ng malaswang materyal sa kaniyang mobile phone ang suspek, na kitang-kita ng mga katabing pasahero, kabilang na ang isang menor de edad.

Agad itong ini-report sa flight attendants na kumilos upang pigilan ang nasabing gawain.

Dahil sa tumitinding sitwasyon, iniakyat ang insidente sa flight captain, at kalaunan ay inilipat ang complainant sa Business Class section upang matiyak ang kaniyang kaligtasan at kaginhawaan.

Sa karagdagang pahayag, sinabi rin ng biktima na sinigawan siya ng suspek nang siya ay magreklamo; isang karanasang nagdulot sa kaniya ng takot at matinding pagkabahala.

Nang komprontahin ng cabin crew, hindi itinanggi ng suspek ang mga paratang ngunit iginiit na ginagamit lamang niya ang kaniyang “privacy” habang nagba-browse sa kaniyang cellphone.

Sinabihan umano siyang humingi siya ng paumanhin at inutusang personal na mag-sorry sa complainant.

Paglapag sa NAIA at matapos ang inisyal na imbestigasyon, pormal na nagpahayag ang biktima ng hangaring magsampa ng kaso laban sa suspek. Kaagad namang inaresto ang suspek at ipinaliwanag sa kaniya ang mga karapatan alinsunod sa batas.

Dinala ang suspek sa kustodiya ng NAIA Police Station 1 at sumailalim na sa inquest proceedings sa Pasay City. Nahaharap siya sa reklamong unjust vexation sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sa pahayag ni PBGen Dionisio B. Bartolome Jr., Director ng PNP AVSEGROUP, iginiit niyang hindi kukunsintihin ang anumang uri ng hindi maayos na asal sa mga paliparan.

Aniya, mananatiling maagap ang kanilang hanay sa pagpapanatili ng kaayusan at pananagutan sa aviation sector.

"We will not tolerate any form of misconduct, and we assure the public that swift and appropriate action will always be taken to uphold order and accountability in our airports," aniya.

Reaksiyon naman ng mga netizen, sa likod ng isang mahabang biyahe, ang insidenteng ito ay nagsilbing paalala na ang respeto at disiplina ay hindi dapat iniiwan—kahit pa nasa himpapawid.

Sa pangkalahatan, hindi ito dapat ginagawa sa pampublikong lugar.

Narito ang mga dahilan:

1. Paggalang sa iba: Maaaring makita ito ng ibang tao na ayaw makakita ng ganitong content, kabilang ang mga bata.

2. Disenteng asal (public decency): Itinuturing itong hindi angkop sa pampublikong espasyo gaya ng eroplano, bus, mall, o opisina.

3. Posibleng legal na pananagutan: Sa Pilipinas, maaaring pumasok ito sa mga kaso tulad ng unjust vexation o paglabag sa mga batas ukol sa kabastusan, lalo na kung may ibang taong naaapektuhan o nakakita.

4. Comfort at safety ng iba: Tulad ng sa balitang binanggit mo, nagdudulot ito ng discomfort, takot, o pagkabahala sa mga nakapaligid.

Samakatwid, ang panonood ng porn ay isang personal na gawain at dapat ginagawa lamang sa pribadong lugar, kung saan hindi ito makakaabala o makakaapekto sa ibang tao.