May 21, 2026

Home BALITA National

Tatanggap din! ₱5k fuel subsidy, ipamamahagi sa higit 9k magsasaka—DA

Tatanggap din! ₱5k fuel subsidy, ipamamahagi sa higit 9k magsasaka—DA
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na aabot sa 9,570 na mga magsasaka ang makatatanggap ng ₱5,000 fuel subsidy, bunsod ng patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Sa ibinahaging pahayag ni Tiu Laurel nitong Linggo, Marso 22, target daw ng ahensya na bigyan ng ayuda ang mga magsasakang nakadepende sa “mechanized equipment.”

“Farmers eligible for this cash assistance are only those listed in the Registry System for Basic Sectors in Agriculture, as provided in the General Appropriations Act,” saad ni Tiu Laurel.

Saad pa ng kalihim, patuloy na humahanap ng solusyon ang pamahalaan upang makapagbigay ng sapat na tulong sa mga apektadong sektor ng krisis sa langis.

“We will continue to look for resources to extend greater assistance to our farmers and fisherfolk—our food producers who are among those most affected by this geopolitical
conflict that we are not part of,” anang kalihim.

Sa kabuuan, aabot sa humigit-kumulang ₱50 milyon ang maipapamahagi sa lahat ng mga benepisyaryo.

Sa kaugnay na ulat, aabot naman sa 98,007 na mga tricycle drivers mula sa Metro Manila ang nakatanggap na rin ng ₱5,000 fuel subsidy mula sa pamahalaan.

“As we end our four-day payout po, almost 81% po or 98,007 beneficiaries po ang nabayaran natin out of the 122,050 clean list po natin,” saad ni Crisis Intervention Program (CIP) Director Edwin Morata sa isang pahayag noong Sabado, March 21.

MAKI-BALITA: 98k tricycle drivers, nakakubra na ng ₱5k fuel subsidy-Balita

Samantala, patuloy pa rin ang pag-ariba ng presyo ng langis dahil sa hindi matapos-tapos na giyera ng mga bansang nasa rehiyon ng Gitnang Silangan.