May 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Eman Bacosa, nagselos nga ba kay Raheel Bhyria?

Eman Bacosa, nagselos nga ba kay Raheel Bhyria?

Nagsalita na ang anak ni Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao na si Eman Bacosa kaugnay sa repost niya sa TikTok kamakailan.

Lumutang kasi sa social media ang screenshot ng mga ibinahaging cryptic post ni Eman na iniugnay sa nararamdaman niya kay Kapuso star Jillian Ward. 

"I can fight 100 men who want you. But I can't fight a guy who you want," saad sa cryptic post.

Halos kasabay ito ng ginawang pagsurpresa ni Jillian sa “Never Say Die” co-star niyang si Raheel Bhyria.

Kaya naman sa ulat ng GMA Integrated News noong Huwebes, Marso 19, nilinaw ni Eman na wala umano itong espesipikong pinatutungkulan.

Tsika at Intriga

'Call me mangga!' MUPH 2026 Bea Windorski, dedma sa mga memang okray sa korte ng baba niya

“Wala namang specific 'yong [post]. About din naman 'yon sa family and friends ko,” saad ni Eman.

“Hindi para kay Jilian?" sundot ni GMA showbizreporter Aubrey Carampel

Sagot naman ni Eman, "Siyempre close friend ko siya. Gusto ko rin siyang i-support [at] i-protect.”

Sa kasalukuyan, burado na ang naturang cryptic post na ibinahagi ni Eman.

Samantala, sa gitna ng isyu, nagpanagpo naman sina Eman at Raheel na mapapanood sa video na ibinahagi ng huli sa TikTok account nito.