Sa mga nagdaang araw at linggo, naglaro muna sa halagang ₱57 hanggang ₱59 ang palitan ng dolyar at piso, kasunod ng ilang mga isyung kinaharap ng bansa gaya ng pagtaas ng inflation rate at presyo ng produktong petrolyo.
KAUGNAY NA BALITA: 'All-time low!' Halaga ng piso kontra dolyar, bumulusok sa ₱59.170!-Balita
Ngunit ngayong Huwebes, Marso 19, naitala ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan kontra dolyar, matapos itong pumalo sa ₱60.100, batay sa inilabas na datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP).
MAKI-BALITA: Bagong record low! Piso, lumagapak sa ₱60 kontra dolyar-Balita
Ano kaya ang sanhi ng patuloy na pagsadsad ng halaga ng piso, at paglakas naman ng dolyar?
1. Geopolitical tensions
Nakaapekto raw sa halaga ng dolyar ang tensyon ng Amerika laban sa mga bansang nakagirian nito gaya na lamang ng Venezuela at Iran, ayon sa ekonomistang si Mike Ricafort.
Matatandaang inaresto ng puwersa ng militar ng Amerika ang Pangulo ng Venezuela na si Nicolás Maduro noong buwan ng Enero.
KAUGNAY NA ULAT: Atas ng Supreme Court! Vice President, pansamantalang Presidente ng Venezuela-Balita
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy naman ang girian ng bansang Iran kontra sa puwersa ng Amerika at Israel.
KAUGNAY NA BALITA: 'Very foolish mistake!' US President Trump, dismayado sa mga 'di nagpadala ng resbak sa giyera-Balita
Sa kabila ng mga hidwaang ito, patuloy pa rin namang umaariba ang dolyar sa pandaigdigang palitan.
2. Pagtaas ng presyo ng krudo
Patuloy ang paglakas ng halaga ng dolyar sa pandaigdigang palitan bunsod ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo, base pa rin sa ulat ng nabanggit na ekonomista.
KAUGNAY NA ULAT: Bantay-presyo: Alamin ang presyo ng krudo ngayong Marso 17-23-Balita
3. Suplay at demand na mayroon ang Amerika
Ayon naman sa ulat ng Investopedia, isa rin sa mga dahilan kung bakit lumalakas ang dolyar ay dahil ito ang pandaigdigang pera na ginagamit sa pag-export at import ng mga produkto.
“When the U.S. exports products or services, it creates a demand for dollars because customers need to pay for goods and services in dollars. Global consumers convert local currency into dollars by selling their currency to buy dollars to make the payment,” mababasa sa artikulo.
4. Inflation rate
Mababasa rin sa parehong artikulo na ang paglala ng implasyon sa bansa ay ilan lamang din sa mga dahilan kung bakit humihina ang halaga ng isang pera, partikular na ang piso.
“When demand for the dollar increases, then so does its value. Conversely, if the demand decreases, so does the value. The demand for the dollar increases when international parties, such as foreign citizens, foreign central banks, or foreign financial institutions, demand more dollars. Other factors that influence whether or not the dollar rises in value in comparison to another currency include inflation rates, trade deficits, and political stability,” nakasaad sa naturang artikulo.
MAKI-BALITA: Inflation rate, tumaas sa 2.4% noong Pebrero 2026!-Balita
5. Politika, utang, atbp.
Nabanggit din sa Investopedia na ang pagiging “stable” ng politika ng bansa, kasama na ang utang nito, surplus sa mga produkto at iba pa, ay nakaiimpluwensya rin sa halaga ng pera ng isang bansa.
“Factors that influence the exchange rate between currencies include currency reserve status, inflation, political stability, interest rates, speculation, trade deficits and surpluses, and public debt,” saad ni Investopedia.
Sa kaugnay na ulat, matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan na ayaw niyang umabot sa ₱60 ang palitan ng piso at dolyar.
MAKI-BALITA: PBBM, ayaw umabot sa ₱60 palitan ng piso kontra dolyar-Balita
Photo courtesy: Unsplash