May 05, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

‘History hits different on the big screen!’ Bayaniverse, muling ipapalabas sa mga sinehan

‘History hits different on the big screen!’ Bayaniverse, muling ipapalabas sa mga sinehan
Photo courtesy: TBA Studios (website)

Nakatakdang muling mapanood ng publiko sa big screen ang “Bayaniverse” films mula Marso 25 hanggang 31. 

Inanunsyo ng TBA Studios sa kanilang social media noong Miyerkules, Marso 20, na muling mapapanood sa mga piling sinehan sa bansa ang mga pelikulang “Heneral Luna,” “Goyo,” at “Quezon.”

Ginunita at sinundan sa pelikulang “Heneral Luna” ang kabayanihan ni Heneral Antonio Luna (John Arcilla) sa kasagsagan ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. 

Ang pelikulang “Goyo” naman ay guminta sa makasaysayang pangunguna ng batang heneral na si Gregorio “Goyo” del Pilar (Paulo Avelino) sa laban ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano matapos ang malagim na pagkamatay ni Heneral Luna. 

Sa pelikulang “Quezon,” makikita ang naging buhay ni dating pangulong Manuel L. Quezon (Jericho Rosales) sa kasagsagan ng larong politika noong panahon pa rin mga Amerikano sa Pilipinas. 

Pelikula

Sue Prado 'di nagpabayad sa isang pelikula, alam na may adbokasiya—direktor

Sa halagang ₱150, mapapanood ang “Bayaniverse” films sa mga sumusunod na sinehan: 

- SM North Edsa

- Mall of Asia (MOA)

- SM Fairview

Sa halaga namang ₱180, mapapanood ang mga pelikula sa mga sumusunod pang sinehan: 

- Trinoma

- Market! Market!

- Fairview

“To be followed” naman ang presyo ng mga ticket sa mga sumusunod na sinehan: 

- Robinsons Antipolo

- Robinsons Manila

- Robinsons Galleria

- Robinsons Gentrias

- Robinsons Galleria South

- Robinsons Naga

- Robinsons Jaro

- Robinsons Tuguegarao

- Robinsons Valencia

- Shopbox Virac (Catanduanes)

Ibinahagi rin ng SM Cinema sa kanilang tagged post sa TBA Studios sa Instagram, na sa bawat ₱5 ticket na mabibili, mapupunta ito bilang donasyon sa pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.