May 21, 2026

Home BALITA National

52% ng mga Pinoy, ikinokonsiderang 'mahirap ang buhay nila'—SWS

52% ng mga Pinoy, ikinokonsiderang 'mahirap ang buhay nila'—SWS
Photo courtesy: MB file photo

Umabot sa 52% ng mga Pilipino ang nagsasabing kabilang sila sa sektor ng mahihirap noong Marso 2026, batay sa inilabas na survey ng Social Weather Stations nitong Mayo.

Batay sa first quester ng SWS survey na isinagawa noong Marso 24 hanggang 31, kung saan 13% ang nagsabing nasa "boarderline" sila ng sektor ng mahihirap habang 35% naman ang nagsabing wala pa sila sa laylayan.

Ayon sa latest self-rated poverty figure, mas mataas ng 1% ang nagsasabing mahirap sila, kumpara sa 51% noong 2025.

Saad pa ng SWS survey tinatayang nasa 14.5 milyong pamilya sa buong Pilipinas ang nagsasabing mahirap lamang sila, kung saan 6.7% sa nasabing bilang ay "newly poor". Umabot naman sa 9.% ang bumagsak sa "usually poor" at 35.5% ang nagsasabing hindi na sila nakaalis sa pagiging mahirap.

Isinagawa ang survey na may bilang na 1,500 na respondents sa buong bansa.

National

NCSC, ipinanawagan pagtanggap sa Senior Citizens ID bilang ‘valid proof’ sa lahat ng transaksyon

Matatandaang noong Abril 2026, umabot sa 50% ng mga Pinoy ang nagsabing mas lumala raw ang kundisyon ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

Batay sa SWS na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31,2026, nasa 26% naman ang nagsabing walang nagbago sa kanilang kalagayan, habang 23% lamang ang nagsabing bumuti ang kanilang buhay.

Bunsod nito, bumagsak ang tinatawag na “net gainers score”—o diperensya ng mga nagsabing gumanda ang buhay at mga nagsabing lumala—sa (-26), ang pinakamababang antas sa nakalipas na apat na taon.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 respondent sa buong bansa, na may margin of error na ±3%.

Kasama sa survey ang tanong na:

“Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati, o mas masama kaysa noon?”

KAUGNAY NA BALITA: 50% ng mga Pinoy, mas lumala ang buhay sa nakalipas na 1 taon—SWS