May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Pasahero, may pa-₱100 full tank sa tricycle driver: 'Ramdam namin mabait siyang tao!'

Pasahero, may pa-₱100 full tank sa tricycle driver: 'Ramdam namin mabait siyang tao!'
Photo courtesy: KAPE KO BLAK (FB)

Kinaantigan ng mga netizen ang sorpresa ng isang pasahero mula sa Victoria, Laguna matapos niyang ilibre ng ₱100 full tank na gasolina ang isang nakasakayang tricycle driver.

Sa viral video na naka-upload sa Facebook account na "Kape Ko Blak," makikitang nagulat ang tricycle driver nang i-full tank ang unleaded gas sa kaniyang tricycle, sa utos ng uploader.

Sa ulat ng Manila Bulletin sa uploader, ito raw ang naisip niyang paraan upang ibalik ang kabaitan ng nabanggit na tricycle driver, lalo na't mataas ang presyo ng gasolina ngayon dulot na rin ng sigalot sa Middle East.

"Bago namin kinausap yung nagwo-work po doon (gasoline station), nakakuwentuhan namin si Tatay at ramdam naman namin na mabait siyang tao po," anang uploader.

"Maliit na bagay man lang po ay makatulong. Lalo na ngayon sobrang taas ng presyo ng gasolina at krudo,” aniya pa.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Sa comment section naman ng video post ni Kape Ko Blak, nag-iwan ng mensahe sa kaniya ang nabanggit na tricycle driver.

"Hi Kape Ko Blak, ako 'yong nilibre n'yo ng gasolina. Maraming-maraming salamat!" aniya.