May 05, 2026

Home BALITA National

DOTr, ipagpapaliban muna dagdag-pasahe sa mga PUVs

DOTr, ipagpapaliban muna dagdag-pasahe sa mga PUVs
Photo courtesy: DOTr, MB


Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantala muna nilang sususpindihin ang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay ang tugon nila sa ibinabang direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. hinggil na suspensyon ng nasabing fare hike.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, pinasususpinde fair hike sa DOTr dahil sa oil price hike!

Sa isang pahayag na ibinahagi ng DOTr nitong Miyerkules, Marso 18, inilahad din nilang handa silang ipatupad ang ilang mga programang magbibigay-tulong sa mga pasahero at drayber, gaya na lamang ng libreng sakay.

MAKI-BALITA: PBBM, inanunsyo libreng-sakay, diskwento sa pamasahe-Balita

Anila, pinabibilisan na rin daw nila ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga kwalipikadong drayber at operator.

Tiniyak din nila ang patuloy na pagkilos ng ahensya upang masaklolohan ang mga sektor na apektado ng nasabing krisis sa produktong petrolyo.

Photo courtesy: DOTr

Bago ianunsyo ni PBBM ang suspensyon ng fare hike, matatandaang nakatakda na sana itong iimplementa sa Huwebes, Marso 19.