May 21, 2026

Home BALITA National

Dating DOT Sec. Christina Frasco, nanumpa na bilang presidential adviser

Dating DOT Sec. Christina Frasco, nanumpa na bilang presidential adviser
Photo courtesy: PCO

Nanumpa na nitong Miyerkules, Marso 18 ang dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Christina Frasco, bilang bilang bagong Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Malacanang ang seremonya ng oath-taking.

"LOOK: President Ferdinand R. Marcos Jr. administered the oath of office of Ma. Esperanza Christina Garcia Frasco, appointing her as Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities (SRC)," mababasa sa post ng Presidential Communications Office (PCO).

Matatandaang itinalaga si Frasco sa bagong posisyon at itinanggi naman ng Palasyo na nagbitiw sa kaniyang katungkulan sa DOT si Frasco.

Sa kaniyang pag-alis sa DOT, pansamantalang hahawak sa pamumuno ng ahensya si Tourism Undersecretary Verna Buensuceso bilang officer in charge.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Samantala, hindi naging ligtas si Frasco sa mga batikos sa mga nakalipas na taon, partikular sa mga kampanya at mensahe ng DOT. Isa sa mga naging kontrobersiya ang kinanselang “Love the Philippines” tourism campaign noong 2023.

Bukod dito, umani rin ng puna ang ilang promotional materials ng kagawaran na umano’y mas nakatuon sa imahe ni Frasco kaysa sa mismong mga destinasyong panturismo.

Gayunman, iginiit ng DOT na epektibo ang kanilang estratehiya, batay sa kanilang sariling datos, at patuloy nilang ipinagtatanggol ang direksyon ng kanilang mga kampanya sa kabila ng mga kritisismo.