March 18, 2026

Home BALITA National

Transport strike, ikakasa ng PISTON sa Marso 19!

Transport strike, ikakasa ng PISTON sa Marso 19!
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Inihayag ng transport group na PISTON ang ikakasa nilang malawakang transport strike bilang pangangalampag umano sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nitong Lunes, Marso 16, 2026, kinumpirma ng PISTON ang nakatakda nilang tigil-pasada na gaganapin sa Huwebes, Marso 19.

“Ngayong darating po na March 19 ay idedeklara po natin at ilulunsad po natin, hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi sa buong bansa ang isang protesta, welga na pangungunahan ng driver at operator laban sa pagkainutil ng administrasyon ni Bongbong Marcos. Laban sa US aggression, nan kung saan ay nagdudulot ng pahirap sa mamamayang Pilipino,” anang PISTON.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang tuluyang umarangkada ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo matapos sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Iran kontra sa pwersa ng Israel at United States.

Kaugnay nito, inaasahang magpapatuloy at mas magtataas pa ang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng pagkaantala ng oil shipments dahil sa banta sa pagdaan sa Strait of Hormuz.

National

PBBM sa pagsuspinde sa fuel excise tax: 'When the situation calls for it!'

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?

Noong weekend, hinimok na ni US President Donald Trump ang allied countries ng kanilang bansa na bakuran na ang Strait of Hormuz.

KAUGNAY NA BALITA: US President Trump, hinimok allied countries na bakuran na rin ang Strait of Hormuz