May 22, 2026

Home BALITA National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18
DOTr MRT-3/FB

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week at alinsunod na rin sa Expanded Solo Parents Welfare Act, nagkaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa mga solo parents.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na sinimulan ang pagkakaloob ng free rides sa mga solo parents nitong Miyerkules, Abril 15, at magtatagal hanggang sa Sabado, Abril 18.

Ayon sa MRT-3, ang libreng sakay para sa mga registered solo parents ay maaaring i-avail mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing mga petsa.

Kinakailangan lamang umano ng mga eligible passengers na magpakita ng kanilang balidong Solo Parent ID sa alinmang istasyon ng MRT-3.

Anang MRT-3, “Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week ngayong taon, handog ng DOTr-MRT3 ang libreng sakay para sa lahat ng rehistradong solo parents mula ika-15 hanggang ika-18 ng Abril.”

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act, na layong kilalanin at suportahan ang mahalagang papel ng mga solo parent sa ating lipunan,” anito pa.

“Isang maliit na hakbang ng pasasalamat para sa inyong walang kapantay na sakripisyo at pagmamahal,” dagdag pa ng MRT-3.