May 22, 2026

Home BALITA

Kumabig na? NBI, iginiit na walang nagsalita sa pagpunta sa kanila ng 16 marines

Kumabig na? NBI, iginiit na walang nagsalita sa pagpunta sa kanila ng 16 marines

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na nahirapan daw silang mag-imbestiga sa 16 sa 18 ex- marines matapos ang hindi nila pagsasalita nang imbitahan nila ang mga ito noong Huwebes, Marso 12, 2026.

Sa panayam ng media kay Matibog nitong Biyernes, Marso 13, iginiit niyang walang nagsalita sa nasabing marines at tanging 16 lang daw dumalo sa kanila.

"Si Atty. [Levi] Baligod, nangako na sila’y babalik. Out of 18, 16 yung dumating. Eh wala namang nagsasalita, kahit nga po sa media interview eh," ani Matibag.

Dagdag pa niya, "Paano naman natin iimbestigahan yan? Paano magagawa ng NBI yung kanilang duty kung hindi nakikipagtulungan yung mga taong nagrereklamo."

Binigyang-diin ni Matibag ang rules of evidence sa inaasta ng nasabing mga marines.

National

Sen. Erwin sa ambang kudeta: 'Isa lang humakbang d'yan, tapos ang boksing!'

"Ang gusto nila, kung ano yung isinubo nilang reklamo, yun na, tawagin n'yo na 'yan, marong mga picture na maleta. Hindi po ganun ang rules of evidence," anang NBI Director.

Pinuna rin ni Matibag ang hindi raw tugma-tugmang pahayag ng mga abogadong sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Levi Baligod.

"Yung isa po sinasabi, pumayag kami na isa-isa silang imbestigahan kahit na hindi dapat. Yung isa naman, sabi suspicious pag isa-isa mo silang inimbita," giit ni Matibag.

Matatandaang noong Marso 6 nang maglabas ng subpoena ang NBI para sa 18 marines matapos gumawa ng kontrobersiya ang kanilang naging paglantad bilang mga bag man umano ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

KAUGNAY NA BALITA: NBI, naglabas ng subpoena laban sa 18 ex-marines!