May 22, 2026

Home BALITA

Senior Citizen na may 2 winning lotto tickets, kinubra na ₱45-M premyo

Senior Citizen na may 2 winning lotto tickets, kinubra na ₱45-M premyo
PCSO

Kinubra na ng isang senior citizen ang napanalunan niyang ₱45 milyong premyo sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, dalawa ang naitalang nanalo nang bolahin Grand Lotto noong Pebrero 21, 2026 na may winning combination na 09-23-03-49-50-01. 

Gayunpaman, lumabas na ang dalawang winning tickets ay pagmamay-ari pala ng iisang tao, kung kaya't nasolo pa rin ng lucky winner ang kaniyang premyo. 

Sa panayam ng PCSO sa senior citizen, ang naturang winning combination ay palagi niyang tinatayaan. Tumaya raw siya noong Pebrero 19 ngunit nakalimutan niyang tumaya na siya, kaya kinabukasan ay tumaya ulit siya sa ibang lotto outlet gamit ang parehong mga numero.

Samantala, plano raw ng lucky winner na ibahagi ang kaniyang napanalunan sa kaniyang kamag-anak na may sakit at gagamitin ang natitira para sa sarili.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.