Ibinahagi ni dating Vivamax sexy actress AJ Raval na pangarap umano niyang magkaroon ng labindalawang anak noon.
Sa latest episode kasi ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, nahagip sa kanilang usapan ang tungkol sa pangarap na bilang ng anak noong medyo bata-bata pa sila.
Sabi ng host na si Chariz Solomon, “Ako apat, e, no’ng bata ako.”
“Gusto ko lima,” saad naman ng co-host niyang si Buboy Villar.
Pero kung si AJ ang tatanungin, labindalawang anak daw ang gusto niya.
“Dati,” anang aktres, “iniisip ko kung marami lang talaga akong pera, ‘yong pinakamaraming kaya ko. Mga ano siguro, twelve. Saya no’n. Ano bang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera?”
“Actually, no’ng nag-start akong mag-artista, ‘di ba may workshop? Tapos ‘yong workshop itatanong sa ‘yo, ‘5 years from now, anong nakikita mo sa sarili mo?’ Sagot ko no’n, ‘farm, tahimik, maraming anak. ‘Yan ‘yong nasabi ko. Malaking family.’” dugtong pa niya.
Sa kasalukuyan, isa nang ina si AJ sa lima niyang anak. Tatlo sa mga ito ay anak niya sa kasalukuyan niyang partner na si Aljur Abrenica.
Inamin niya ang tungkol dito nang sumalang siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” Nobyembre 2025.
Kaugnay na Balita: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!