Pinasabog ng Israel ang ilang imbakan ng langis sa Iran matapos ang pagpapakawala nila ng magkakasunod na airstrike noong Linggo, Marso 8, 2026 araw sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng AP news, ito ang kauna-unahang pagkakataong naging target umano ang isang civil industrial facility sa kasagsagan ng giyera.
Apat na oil storage facility ang tinarget ng Israel at iginiit nilang sumu-supply umano sa military operations ng Iran.
Binalot ng makapal na usok ang Tehran na siyang kabisera ng Iran bunsod ng naturang pag-atake kung saan apat na katao ang nasawi batay sa kumpirmayson ng pamunuan ng isang oil distribution company sa naturang bansa.
Samantala, nanindigan naman si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na patuloy ang kanilang magiging pag-atake kasama ang pwersa ng United States laban sa Iran.
"We have an organized plan with many surprises to destabilize the regime and enable change," ani Netanyahu.
Dagdag pa niya, "We have many more targets."
MAKI-BALITA: US President Trump, 'di raw papaawat sa giyera; gustong ubusin Iranian leaders
Ayon pa sa mga ulat, tinatayang nasa 1,300 katao na ang nasawi magmula ng rumatsada ang pag-aatake ng US-Israel sa Iran, habang 300 naman ang nasawi sa Lebanon.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?