Inihayag ni Philippine Ambassador to Iran Roberto Manalo na wala pang naitatalang casualty sa mga Pilipinong nananatili sa nasabing bansa.
"Sa kabutihang palad wala pa naman kaming nababalitaan na mga untoward incidents or casualties among our Filipino community here," ani Manalo sa isang panayam nitong Lunes, Marso 2, 2026.
Pagbabahagi niya pa, nananatili raw ang kanilang komunikasyon sa mga Pilipinong nasa Iran sa pamamagitan ng iba't ibang messaging platforms.
"We are i constant connection with them through Whatsapp, Viber, email, social media. Anytime na nakaka-internet madali namin silang nako-contact," saad ni Manalo.
Dagdag pan niya, "Every time naman wala naman silang sinasabi na any casualties or any injuries sa ating mga kababayan."
Tinatayang nasa 840 Pilipino ang nananatili sa Iran at karamihan daw sa kanila ay permanenteng residente na sa nasabing bansa. Habang nasa 40 hanggang 50 naman ang pawang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
"Karamihan sa Pilipino dito are already married to Iranians at yung mga anak nila, they are still considered Filipinos kasi Philippine passport holders sila but at the same time dito na sila nakatira, they are permanent residents," giit ni Manalo.
Nabanggit din ni Manalo ang kanilang plano para sa mga hihiling sa kanila ng repatriation.
"Ang aming plano, if ever meron magre-request sa amin ng repatriation, is dadalhin namin sila up to the Turkish border. Once maitawid namin sila doon, dapat sasaluhin sila noong ating embassy naman sa Turkey at sila ng bahala to repatriate them back to the Philippines," paliwanag ni Manalo.