March 01, 2026

Home BALITA

Cielo Magno sa paglantad ng 18 ex-marines: 'Pang-intriga lang pero 'di kayang magpakulong'

Cielo Magno sa paglantad ng 18 ex-marines: 'Pang-intriga lang pero 'di kayang magpakulong'
Photo Courtesy: Cielo Magno, Mike Defensor (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si dating Department of Finance (DOF) Usec. Cielo Magno kaugnay sa paglitaw ng 18 ex-marines nagsiwalat ng iba pang detalye sa likod ng "maleta scheme."

Sa latest Facebook post ni Magno nitong Linggo, Marso 1, sinabi niyang pang-intriga lang umano ang dulot ng mga lumantad na marino kamakailan.

'Yong mga pasabog na pinalalabas n'yo: Zaldy Co, maleta, '18 marines,' pang-intriga lang pero hindi kayang magpakulong," saad ni Magno.

Usisa tuloy niya, “Panglaban nga ba sa corrupt o pagmamadali lang para makaupo sa pwesto?”

Matatandaang hinarap ni Atty. Levi Baligod sa publiko noong Pebrero 24 ang umano’y 18 marino upang pagtibayin ang naunang pahayag ni retired Marine TSgt. Orly Guteza tungkol sa paghahatid ng male-maletang pera sa bahay ni Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Probinsya

Asong pakawala sa gabi kontra magnanakaw, nasalpok ng motorsiklo

Ipinrisinta si Guteza ni Sen. Rodante Marcoleta bilang witness sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025.

Maki-Balita: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!