March 01, 2026

Home SHOWBIZ

Anne Curtis, naudlot flight pa-Dubai; pinag-iingat mga Pinoy sa Middle East

Anne Curtis, naudlot flight pa-Dubai; pinag-iingat mga Pinoy sa Middle East
Photo courtesy: Anne Curtis/FB, MB


Malungkot na ibinahagi ng aktres at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis na naunsyami ang kaniyang paglipad patungong Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Sa ibinahaging Instagram (IG) story ni Anne noong Sabado, Pebrero 28, inilahad niyang kailangan nilang bumalik patungong Milan, sa kadahilanang “grounded” ang lahat ng flights sa Middle East.

“Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high-speed jet flying beside us,” saad ni Anne sa kaniyang story.

Aniya, “I notice another one, and next thing I knew, they announced we would be turning around and making our way back to Milan due to the airstrikes. All flights to the Middle East have been grounded.”

Ipinagdarasal naman ng aktres ang lahat ng pamilyang nasa rehiyon, at pinaalalahanan ang mga kapwa niya Pinoy na mag-ingat sa maaaring mangyari.

“Praying for all the families in the Middle East. Sa mga kababayan natin. Ingat po. Stay safe everyone. Hoping things ease soon,” anang aktres.

Photo courtesy: Anne Curtis-Smith/IG

Napilitang ikansela ang ilang flights na papasok at palabas ng Middle East matapos ang napaulat na pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa bansang Iran, na nagdulot ng pagkasira ng mga establisimyento at pagkamatay ng ilang mga tao—kabilang na ang supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei at mga kaanak nito.

KAUGNAY NA BALITA: Kaanak ni Iranian supreme leader Ali Khamenei, nasawi sa airstrikes ng US, Israel-Balita

Samantala, kinondena naman ni United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres ang lumalalang girian sa rehiyon ng Middle East.

“I condemn the military escalation in the Middle East today. The strikes by the US & Israel against Iran & the subsequent attacks by Iran undermine international security,” saad ni Guterres.

MAKI-BALITA: UN Sec-Gen, kinondena tensyong nagaganap sa pagitan ng US-Israel, Iran-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA