March 01, 2026

Home BALITA

Sen. Imee, Iglesia ni Cristo magkapatid sa katotohanan at pananagutan

Sen. Imee, Iglesia ni Cristo magkapatid sa katotohanan at pananagutan
Photo Courtesy: Imee Marcos, INC News and Updates (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Imee Marcos sa Iglesia ni Cristo (INC) para sa pagsuporta nito sa panawagan niya kaugnay sa 18 ex-marines na naglabas umano ng katotohanan sa likod ng "maleta scheme."

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Sabado, Pebrero 28, sinabi niyang hindi umano biro ang mga akusasyon ng mga nasabing marino.

“Hindi biro ang mga akusasyon, kaya't noong Pebrero 25 ay naghain tayo ng Senate Resolution No. 317 upang masimulan ang imbestigasyon at maumbok ang tunay na mastermind sa mga pangyayari,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Simula't sapul, ang Iglesia ni Cristo at ang inyong lingkod ay laging magkapatid sa katotohanan at pananagutan.”

Matatandaang sa binasang pahayag ni INC spokesperson Bro. Edwil Zabala sa isang programang "Sa Ganang Mamamayan" ng NET25, binanggit niya ang paglitaw ng 18 ex-marines na umano'y nagdala ng mga male-maletang pera sa iba't ibang personalidad, kabilang na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Internasyonal

Ilang flights, kinansela sa kasagsagan ng tensyon sa Middle East

Maki-Balita: INC, dismayado: 'Wala pa ring kalutasan sa napakalaking pangungulimbat sa kaban ng bayan!'

Aniya, "Ngayong may mga lumalabas na pahayag mula sa mga sangkot, kabilang ang umano'y nagpadala ng male-maletang pera, at kamakailan lamang ay pinatunayan iyan ng mga dating sundalo na umaming sila ang naghatid ng mga ito.”

“Bakit tila walang malinaw na hakbang upang palawakin pa at tapusin ang imbestigasyon? Anong ebidensya pa kaya ang hinihintay para seryosohing tuntunin ang mga mastermind sa katiwaliang ito?” dugtong pa ni Zabala.