February 27, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro may pa-resibo sa pagtawag ni FPRRD kay VP Sara na 'drama queen'

Usec. Castro may pa-resibo sa pagtawag ni FPRRD kay VP Sara na 'drama queen'
Photo courtesy: RTVM/YT


Tila may pa-resibo si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro tungkol sa panahong sinabihan mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na “drama queen.”

Ito ay matapos matanong si Usec. Castro patungkol sa pahayag ni VP Sara kung saan sinabi nitong simula raw noong nag-resign siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd)—lalo na noong dineklara niyang tatakbo siya sa pagkapangulo, marami daw ang nagkansela ng mga imbitasyon dahil hindi raw nila gusto na pag-initan sila ng administrasyon.

Idagdag pa raw ang pag-iisip niya niya kung anong mangyayari kung tumakbo na lang siya bilang mayor ng Davao City at hindi na itinuloy ang pagtakbo bilang bise presidente.

“Doon sa una muna niyang binanggit ‘no, na parang siya ba’y iniiwasan or kinansel ang—tama po, kinansel ang invitation. Mismo ang dating Pangulong Duterte ang nagsabi na may mga pagkakataon na ang Bise Presidente ay sinungaling. Ipapakita ko po ang isang article at binanggit din po ni dating Pangulong Duterte na ang kaniyang anak na si VP Sara ay isang ‘drama queen,’” saad  ni Usec. Castro sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Biyernes, Pebrero 27.

Aniya pa, “Dito pinasinungalingan niya mismo ang sinabi ng dating Mayor Sara Duterte; isa isang isyu ito. So, kailan pa ba natin paniniwalaan ang mga sinasabi ng Bise Presidente kung mismo ang kaniyang ama ay sinasabing siya ay nagsisinungaling?”

National

De Lima, bibigyan ng leksyon si Baligod at 18 ex-marines?



Bilang kontesto, binitawan ni FPRRD ang “drama queen remark” niya kay VP Sara nang siya ay matanong kaugnay sa pahayag na ang kaniyang anak daw ay biktima ng panggagahasa.

“She can’t be raped; she carries a gun,” saad ni Duterte sa isang pahayag.

Hindi ito pinaniwalaan ng dating Pangulo dahil wala raw siyang “previous knowledge” ukol dito.

Vincent Gutierrez/BALITA