Nakaambang salubungin ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang pagpasok ng buwan ng Marso sa susunod na linggo.
Batay sa four-day forecast ng Mean of PLatts Singapore (MOPS) trading, naglalaro sa ₱0.50 hanggang ₱1.10 ang maaaring itaas ng gasolina, diesel at kerosene.
Sa gasolina, tinatayang nasa ₱1.10 ang maaaring idagdag sa kasalukuyan nitong presyo.
Sa Diesel, naglalaro naman sa ₱0.50 ang presyong maaaring mahigit sa kasalukuyang presyo nito.
Sa Kerosene, nasa ₱0.90 naman ang inaasahang dagdag sa kasalukuyang presyo nito.
Ayon kay Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, malaking epekto pa rin daw ang sitwasyon sa pagitan ng United States at Iran sa paggalaw ng pandaigdigang merkado sa produktong petrolyo.
"Crude lacks direction as market looks to US-Iran talks held yesterday, February 26 in Geneva. This was the 3rd round of talks made by the two countries," ani Romero.