Nagsumamo ang defense lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman sa mga hukom ng International Criminal Court (ICC) na huwag kumpirmahin ang alinmang kaso ng kaniyang kliyente.
Sa closing statement ni Kaufman sa ikatlong sesyon ng ikaapat na araw ng confirmation of charges hearing nitong Biyernes, Pebrero 27, umapela siyang payagang pauwiin si Duterte sa Pilipinas.
“I ask you, I beg you not to confirm any of the charges. I ask you to let Rodrigo Duterte return to the Philippines, not to govern, but simply to live out the rest of his days in peace, in his humble dwelling in Davao,” saad ni Kaufman.
Matatandaang nahaharap si Duterte sa three counts of crimes against humanity dahil sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng kaniyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao at Pangulo ng Pilipinas.
Samantala, matapos ang confirmation of charges hearing, nakatakdang ilabas ng Pre-Trial Chamber I ang kanilang desisyon kaugnay dito sa loob ng 60 araw alinsunod sa proseso ng Korte.