Bumaba ng 3.94% ang krimeng naitala ng Philippine National Police (PNP) mula Disyembre 2025 hanggang Enero 2026.
Ayon sa PNP noong Huwebes, Pebrero 26, 2026, bumaba ang naitala nilang krimen mula 2,687 noong Disyembre 2025 patungong 2,581 noong Enero 2026.
Narito ang ilan sa mga krimeng nakitaan nila ng kaso ng pagbaba:
Murder cases - 319 kaso naging 284
Physical injury - 427 kaso naging 299
Rape case - 516 kaso naging 400
Motorcycle theft - 162 kaso naging 149
“These numbers show that mas mababa ang krimen at mas marami ang nalulutas na kaso. Ibig sabihin, gumagana ang ating pinaigting na operasyon at koordinasyon sa komunidad," ani PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr.
Siniguro din niya na patuloy palalakasin ng PNP ang presensya ng kapulisan sa iba't ibang lugar.
"Patuloy nating palalakasin ang police presence at investigate efforts para masigurong may hustisya at kapanatagan ang bawat Pilipino," anang PNP Chief.