February 27, 2026

Home BALITA

Ex-Rep. Stella Quimbo, nag-deact umano ng socmed page sa gitna ng ‘maleta’ controversy

Ex-Rep. Stella Quimbo, nag-deact umano ng socmed page sa gitna ng ‘maleta’ controversy
Photo courtesy: MB


Napansin ng “eagle-eyed” netizens ang tila biglaang deactivation ng Facebook page ni dating Marikina 2nd district Rep. Stella Quimbo.

Ito ay matapos siyang madawit sa mga kongresistang tumanggap umano ng male-maletang pera mula kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Sa biglaang paglitaw ng mga umano’y 18 dating miyembro ng Philippine Marines, nabanggit nila ang ilan pang mga kongresistang nakatanggap din umano ng pera mula kay Co.

Ayon sa kanila, ilan pa sa “alleged recipients” ng mga maleta ay sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

Sangkot din umano sa tanggapan ng pera sina Manila Rep. Joel Chua, Deputy Speaker Janette Garin, Deputy Speaker Paolo Ortega, at Deputy Speaker David Suarez.

National

Palasyo kay VP Sara: 'Mas maganda po sana kung nanatili na lang siyang mayor'



Lumitaw din ang ilang Quad committee chairpersons na sina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., dating Rep. Ace Barbers, Rep. Dan Fernandez at Rep. Joseph Stephen Paduano, na nakatanggap din umano ng maleta mula sa dating Ako Bicol Party-list representative.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag o kahit anumang kumpirmasyon si Quimbo sa dahilan ng deactivation ng kaniyang social media page.

Vincent Gutierrez/BALITA