February 24, 2026

Home BALITA National

VP Sara, may karapatang dumalo, lumiban sa pagdinig ng impeachment complaints laban sa kaniya

VP Sara, may karapatang dumalo, lumiban sa pagdinig ng impeachment complaints laban sa kaniya
Photo courtesy: via Balita


Nilinaw ni House Justice Committee Chair Gerville Luistro na may karapatan si Vice President Sara Duterte na tanggapin o hindi ang imbitasyon ng Kamara hinggil sa pagdinig ng impeachment complaints laban sa kaniya.

Kasunod ito ng pag-refer ng mga naturang impeachment complaints sa House Committee on Justice noong Lunes, Pebrero 23.

MAKI-BALITA: 4 na impeachment complaints vs VP Sara, nai-refer na sa House Committee on Justice-Balita

Sa ibinahaging pahayag ni Luistro sa media nitong Martes, Pebrero 24, idiniin niyang ang presensya ng Pangalawang Pangulo sa mga darating na pagdinig ay parte ng kaniyang karapatan sa “due process.”

“Palagi tayong tinatanong: ‘Paano po kung hindi sumipot ang respondent? Paano po kung hindi dumating sa hearing ang Vice President?’ Again, her presence in the hearing is part of her right to due process. So, whether she wishes to come or not, it is actually her prerogative,” saad ni Luistro.

“Kung hindi siya darating doon sa hearing, it will be interpreted merely as her waiver of her right to be present during the hearing,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, matatandaang sinabi naman ng Palasyo kay VP Sara nito ring Martes, Pebrero 24, na respetuhin niya ang proseso ng Kamara patungkol sa mga impeachment complaints na nakahain laban sa kaniya.

“‘Yon talaga ang proseso. Kung ikukumpara natin sa naging komento ng Pangulo nang siya ay nakasalang sa impeachment complaints, ang sabi ng Pangulo, irespeto natin ang proseso. Kasi proseso ‘to e, so sundin lamang nila ‘yong batas at sila ay magdesisyon base kung ano ‘yong makikita’t mai-pepresent diyan,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa kaniyang panayam sa programang “Frontline sa Umaga” ng News5.

MAKI-BALITA: Palasyo matapos mai-refer impeachment complaints vs VP Sara: ‘Irespeto ang proseso’-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA