February 24, 2026

Home BALITA

Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM

Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM
Photo Courtesy: Screenshot from Mike Defensor (FB), Mark Belmores/MB

Kinumpirma ng dalawang dating security personnel ng noo’y Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang naunang pahayag ni retired Marine TSgt. Orly Guteza tungkol sa umano’y male-maletang pera na dinadala sa bahay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Guteza ang dating Senate witness na nagsiwalat tungkol sa umano’y “maleta scheme.” 

Ipinrisinta siya ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025.

At sa ginanap ngang press conference nitong Martes, Pebrero 24, sinabi ng isang dating security personnel na may group chat umano sila kung saan inilalatag ang mga detalye sa paghahatid ng pera.

Aniya, "Mayro'n kaming group chat sa team namin kay Boss Zaldy Co. Doon pino-post lahat kung saan magde-deliver, kanino, at kung ilang maleta,”

National

ICC Prosecution, sumagot sa pahayag ni Kaufman tungkol sa mga binitawang salita ni FPRRD

"Nakapag-deliver po kami sa 41 Forbes po. Meron din po sa Ilocos, kasama po si Cong. Zaldy. Sa Ilocos, 5 maleta po,” dugtong naman ng isa pang security personnel.

Paglilinaw naman ni Atty. Levi Baligod, “Para maklaro lang ‘no. Nag-deliver sila sa Ilocos Norte sa Paoay—sa bahay mismo ni BBM.”

Si Baligod ang kasama ng 18 security personnel na humarap sa publiko para isiniwalat ang tungkol dito. 

Matatandaang pumutok na rin ang pangalan niya noon at nakilala bilang whistleblower sa Pork Barrel Fund Scam case ni Janet Napoles.