February 24, 2026

Home BALITA

Naka-live pa! Francis Leo Marcos, hinainan ng arrest warrant habang kumakain!

Naka-live pa! Francis Leo Marcos, hinainan ng arrest warrant habang kumakain!
Photo courtesy: Norman Mangusin (YT)

Nakunan sa mismong sariling social media live ng vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si “Francis Leo Marcos” ang pagsisilbi sa kaniya ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa gitna ng kaniyang pagkain sa loob ng isang hotel. 

Ayon sa naging live ni Mangusin sa kaniyang Youtube Channel sa may pamagat na ‘Enjoying a Life of Luxury at Grand Club’ nitong Martes, Pebrero 24, 2026, tumatagal lamang sa loob ng 26 minutos at mapapanood na bigla na lang siyang nasilbihan ng warrant of arrest. 

Photo courtesy: Norman Mangusin (YT)

Screenshot mula sa YT live ni Mangusin. 

Matapos nito, agad namang kinumpirma ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan ang pag-aresto ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG NCR) kay Mangusin sa Sheraton Hotel nitong Martes. 

“I confirm that Norman Mangusin, also known as Francis Leo Marcos, was arrested today by the Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG NCR) at the Sheraton Hotel by virtue of a warrant of arrest issued by the Regional Trial Court Branch 294 Parañaque City,” pagsisimula niya. 

17-anyos na dalagitang lilipad patungong Saudi para mag-DH, naharang!

Ani Calinisan, kaugnay umano ng naging pag-aresto kay Mangusin sa hindi awtorisadong pagsusuot nito ng uniporme ng mga kapulisan at iba pang mga akusasyong paggamit ng nasabing vlogger ng iba’t ibang pangalan, passports, at birth certificate. 

“Prior to this development, we held a coordination meeting with CIDG regarding Mangusin's unauthorized use of a police uniform, as well as serious concerns involving his alleged use of multiple names, passports, and birth certificates, and the presence of unauthorized security personnel,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Calinisan, pormal na rin silang nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Statistics Authority (PSA) upang makahingi ng dokumentong magpapatunay sa kaniyang pagkakakilanlan. 

“We have also sent formal communications to the Department of Foreign Affairs and the Philippine Statistics Authority requesting document verification and informing them that certain records may have been fraudulently acquired,” ‘ika niya. 

Diin niya, “Let me be clear: kapag may panlilinlang, kapag may pag-abuso sa sistema, at kapag may paggamit ng huwad na pagkakakilanlan o simbolo ng awtoridad, kikilos ang batas.” 

Paalala pa ni Calinisan sa publiko, wala raw sinoman ang maaaring magpanggap o manlinlang nang hindi nakatatanggap ng kaparusahan. 

“Walang sinuman ang maaaring magpanggap o manlinlang nang walang kaparusahan.

We will hold him accountable,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon ang kampo ni Mangusin kaugnay sa pagka-aresto sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Di na makakapagmaneho!' Vlogger, revoked lisensya matapos 'di sumipot sa LTO

Mc Vincent Mirabuna/Balita