Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) noong Lunes, Pebrero 23, ang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa kaso niyang crimes against humanity sa kasagsagan ng war on drugs sa kaniyang administrasyon.
Ngunit tila hindi lamang kaso ni FPRRD ang naging pokus ng mga nakapanood ng pagdinig, dahil mukhang napukaw din ang kanilang atensyon sa isang miyembro ng defense team ng dating Pangulo.
Sa isang viral video na ibinahagi ng netizen na si Sil Guillemer nitong Martes, Pebrero 24, mapapanood na nakapokus lamang sa mukha ng defense team member na si Nicolas Rousseau ang nasabing reel.
“Bring him home both,” saad niya sa caption ng video.
Photo courtesy: Sil Guillemer/FB
Umani naman ng komento at mga reaksyon mula sa netizens ang naturang video.
“Pogi basin pisot pd hahaha”
“Ka wapo ni atty.oi”
“Yan sana Ang sasabihin ko Kay Tatay Digong isabay mo Yan pag uwi dito sa Davao Tay…hehhe”
“Hoyyyyyy wag kayo ganon loyal ako kay jungkook…pero bat ang pogi mo sir here's my #1234567890”
“hahaha nasiplatan pa jud…”
“Grabe hahahah focus mga ka DDS Kay atty. Kauffman wag kung saan saan Ang mga mata”
“Akala q Ako lng nakapansin haha”
“Iuwe na Yan hihi"
“Gustong maiyak ni pogi dahil sa sinabi ni Atty Kaufman…”
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa humigit-kumulang 92,000 ang views ng nasabing video.
Isa si Rousseau sa mga miyembro ng defense team ni FPRRD, kung saan kasama niya sina Dr. Dov Jacobs, Ms. Havneet Sethi, Maitre Alexandre Desevedavy, David Roncati, Maitre Sandrine de Sena, Kaylyn Chen, na pinangungunahan ni Atty. Nicholas Kaufman.
Vincent Gutierrez/BALITA