Bukod kay Atty. Nicolas Rousseau, isa pang miyembro ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naispatan ng "eagle-eyed" netizens dahil sa kaniyang karisma at looks habang pinapanood ang confirmation of charges hearing sa dating pangulo, kaugnay ng kasong crimes against humanity ng International Criminal Court (ICC).
Ang nabanggit na legal counsel ay si Atty. Alexandre Desevedavy, na kasama sa pormal na ipinakilala ng head legal counsel na si Atty. Nicholas Kaufman, sa unang araw ng pagdinig noong Lunes, Pebrero 23.
Kasama rin sa defense team sina Dr. Dov Jacobs, Ms. Havneet Sethi, Maître Alexandre Desevedavy, Attorney David Roncati, Maître Sandrine de Sena, at Kaylyn Chen.
Kabilang din bilang support lawyers sina Atty. Salvador Medialdea, Martin Delgra, Silvestre Bello, Alfredo Lim, Cesar Dulay, at Salvador Panelo.
Tila kinakiligan ng mga netizen ang dalawang "heartthrobs" ng defense team at nanawagan na ring bukod kay FPRRD, i-"Bring Him Home" na rin sa Pilipinas ang dalawang attorneys.
Ayon sa LinkedIn profile, si Desevedavy ay "Avocat à la Cour/Legal Consultant" sa ICC-Defence Team.
Batay naman sa kaniyang educational background, narito ang mga nakalagay:
Lycée Français de Shanghai, Chine (2009-2015)
Université Paris Nanterre (2015-2019)
University of Essex (2015-2019)
Paris-Pantheon-Assas University (2019-2020)
HEDAC Haute Ecole des Avocats Conseils des Barreaux du ressort de la Cour d'appel de Versailles (2021-2022)