February 24, 2026

Home BALITA

17-anyos na dalagitang lilipad patungong Saudi para mag-DH, naharang!

17-anyos na dalagitang lilipad patungong Saudi para mag-DH, naharang!
Photo courtesy: BI


Napigilan ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 17-anyos na babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos tangkaing lumipad patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) para magtrabaho bilang domestic helper.

Ayon sa ulat ng BI, sinubukan ng babae na lumabas ng bansa sa isang “Air China flight bound for KSA via China” noong Sabado, Pebrero 21, sa NAIA Terminal 1.

Ayon pa sa imbestigasyon, napag-alamang nagpapanggap bilang 27-anyos na babae ang dalagita—bitbit ang isang national identification card na hindi nagma-match sa mga detalyeng nasa pasaporte at postal identification card niya.

Nabisto rin daw ang pagpapanggap ng babae dahil umano sa “inconsistensies” ng mga sagot nito nang siya ay inspeksyunin ng mga opisyal ng paliparan.

Ayon sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na hindi sila papayag na may mga menor de edad na mangingibang-bansa upang magtrabaho.

“We will not allow the deployment of minors for overseas work. The minimum age requirement is in place to protect children from exploitation, and any attempt to circumvent this safeguard through misrepresentation of identity or age will be dealt with accordingly,” saad ni Viado.

Samantala, nai-turnover na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang dalagita para sa pagsusuri at imbestigasyon.

National

Antonio Trillanes, tumanggap ng ₱112M kay Zaldy Co para sa ICC investigators!—Atty. Levi Baligod



Ayon sa nasabing ulat, 24-anyos ang “required minimum deployment age” para sa mga Pinoy na nais magtrabaho bilang domestic helper sa ibang bansa.

Vincent Gutierrez/BALITA