February 23, 2026

Home BALITA

Trillion Peso March Movement, tutol sa kudeta, military junta, atbp sa EDSA Anniv

Trillion Peso March Movement, tutol sa kudeta, military junta, atbp sa EDSA Anniv
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag ang Trillion Peso March Movement (TPMM) kaugnay sa usapin ng pagkakaisa sa ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power.

Sa latest Facebook post ng Tindig Pilipinas nitong Lunes, Pebrero 23, inilatag nila ang kanilang mga panawagan para sa ikakasang pagkilos sa naturang pagdiriwang.

Kabilang sa mga ito ang panawagan na panagutin lahat ng sangkot sa korupsiyon, partikular sa maanomalyang flood control projects; ipasa bilang batas ang isinusulong na anti-political dynasty bill; gayundin ang pagsesemento sa Independent Commission on Infrastructure Corruption.

Bukod dito, binigyang-diin din ng kilusan ang mga panagawang hindi nila sinasang-ayunan kagaya ng kudeta at iba pang anyo nito.

'Wala nang balikan 'yan!' Hanash ni Roque, PBBM, nakikipag-ayos daw kay VP Sara?

“Tinututulan din ng TPMM ang mga panawagang lumilihis sa mga demokratikong prosesong nakasaad sa ating Konstitusyon tulad ng anumang porma ng kudeta, pseudo-revolutionary government, military junta, o transition council,” saad nila.

Gayunman, nirerespeto umano ng TPMM ang mga pormasyon na may sari-sariling pagsusuri at panawagan. Kaya naman hiniling din nilang igalang ang kanilang sariling pagsusuri at posisyon.

Dagdag pa nila, “Ang pagkakaiba ng pananaw ay hindi kahinaan, ito ay bahagi ng isang buhay at malusog na demokrasya.”

Matatandaang hindi ito ang unang beses na hindi magkasundo ang hanay ng TPMM at ng iba pang progresibong grupo pagdating sa mga panawagan. Sa katunayan, mainit na pinagtalunan noong Nobyembre 30, 2025 ang tungkol dito.

Kaugnay na Balita: #BalitaExclusives: Kiko Dee, ‘di pabor sa People's Transition Council