February 23, 2026

Home BALITA

Sen. Bong Go, ipinagdasal si FPRRD: 'Taimtim kong dalangin ang kanyang lakas ng loob'

Sen. Bong Go, ipinagdasal si FPRRD: 'Taimtim kong dalangin ang kanyang lakas ng loob'
courtesy: Bong Go/FB

Ipinagdasal ni Senador Bong Go si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa gaganaping confirmation of charges hearing nito sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ngayong Lunes, Pebrero 23, 2026.

"Sa nakatakdang confirmation hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, taimtim kong dalangin ang kanyang lakas ng loob, kapanatagan ng isip, at mabuting kalusugan. Nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang karunungan at gabay sa kanyang legal team upang buong husay na maipagtanggol si Tatay Digong. Hinihiling ko rin sa Diyos ang patuloy na tibay ng loob at pagkakaisa ng kanyang pamilya sa harap ng pagsubok na ito," ani Go sa kaniyang social media post.

Nananawagan din ang senador sa publiko na "manatiling mahinahon, magtiwala sa proseso ng batas, at huwag mawalan ng pag-asa."

"Sa huli, ang ating pagkakaisa at pananampalataya ang magbubukas ng daan upang masilayan natin ang tunay na katotohanan," dagdag pa niya.

"Ipagdasal po natin ang kalusugan, kaligtasan, at kalayaan ni Tatay Digong."

National

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'

Ngayong araw ang simula ng apat na araw na confirmation of charges hearing ni Duterte.  

Kaugnay na Balita: 'In-person family visits' bawal muna kay FPRRD habang may hearing