May 21, 2026

Home BALITA

Sen. Bam sa pakikipagtrabaho kay PBBM: 'We have to agree that we always disagree'

Sen. Bam sa pakikipagtrabaho kay PBBM: 'We have to agree that we always disagree'
Photo Courtesy: Bam Aquino, RTVM (FB)

Nausisa si Sen. Bam Aquino kaugnay sa tila pagbabago ng ugnayan sa pagitan ng kasaluyang henerasyon ng mga Marcos at Aquino na kilalang mahigpit na magkatunggali noon sa kasaysayan.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast journalist Karen Davila nitong Lunes, Pebrero 23, sinabi ni Sen. Bam na sadyang may mga bagay umanong hindi pagkakasunduan. Ngunit sa kabila nito, kinakailangang tugunan ang problema ng bayan.

Aniya, “I think we have to agree that we will always disagree on certain things. ‘Yong pananaw ko, ‘yong pananaw natin, baka magkaiba talaga sa pananaw ng ibang tao. You cannot convince me, and I cannot convince you on a certain matter in our history.”

“Pero ‘yong pangangailangan ng taumbayan, napakatindi [at] napaka-grabe. We’re all voted by the Filipino people para magtrabaho. Hindi kami nandito para lang mamulitika or para mamulitika sa panahon na ang daming problema ng bayan,” dugtong pa ni Sen. Bam.

Kaya naman sa ngayon ay nakatutok ang senador sa paglutas sa mga umiiral na problema sa sektor ng edukasyon. 

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

“Currently, the things we’re espousing gaya ng pagtugon sa classroom gap, pagtaas ng budget sa edukasyon, mayroong convergence,” saad ni Sen. Bam.

Matatandaang kamakailan lang ay nagkita sina Sen. Bam at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo noong ginanap ang pirmahan ng Memorandum of Agreement para sa classroom building program.