February 23, 2026

Home BALITA National

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'
Photo courtesy: File Photo

Binuweltahan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang International Criminal Court (ICC) at sinabi niyang hindi raw mababago ng isinasagawa nilang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kasaysayan. 

Ayon sa naging pahayag ni Pulong sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 23, 2026, ibinahagi niya ang nakatakdang isasagawang pagdinig ng ICC sa confirmation of charges kay FPRRD mula nitong Lunes, Pebrero 23 hanggang Biyernes, Pebrero 27, 2026. 

Kinuwestiyon ni Pulong kung may hurisdiksyon ba raw talaga ang ICC sa Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ng kaniyang ama bilang Pangulo at kung maituturing ba raw talaha na “crimes against humanity” ang pagsugpo sa kriminalidad. 

“Kung justice talaga ang hanap nila, sana una nilang tanungin—may hurisdiksyon ba kayo? Pangalawa, kung may hurisdiksyon man kayo, crimes against humanity na pala ang pagsugpo ng kriminalidad sa sariling bayan?” saad niya. 

Nagawa ring ipagkumpara ni Pulong tungkol sa double standards ang umano’y nangyari noon sa Hacienda Luisita sa panahon ng mga Aquino at mga alegasyon daw na pagpatay sa mga nagtutulak ng droga sa panahon ni FPRRD na mabilis raw itinuring na “crimes against humanity.” 

National

Atty. Kaufman, binira umano'y pangakong 'di tutulong sa ICC ni PBBM

“And let’s talk about double standards. Ang mga Aquino, namusil ug mga mag-uuma kay gusto lang nilang i-reclaim ang ilang yuta sa Hacienda Luisita. Pero si PRRD—alleged nga gapamatay ug mga drug pushers—dayon ‘crimes against humanity’ na?” aniya. 

Dagdag pa niya, “Let’s call this what it is—not justice, not accountability, but selective prosecution dressed up as moral superiority. Former President Duterte did not govern for foreign approval. He governed for Filipinos—especially those who lived in fear long before air-conditioned courtrooms started moralizing from thousands of kilometers away.” 

Ani Pulong, hindi raw mababago ng ICC ang kasaysayan at hindi nito mabubura ang mandato ng mga Pilipino lalo na ng mga kagaya nilang umano’y may alam sa kaibahan ng “rule of law” at “rule by foreign pressure.” 

“This hearing will not change history. It will not erase the mandate given by the Filipino people. And it certainly will not intimidate those of us who know the difference between rule of law and rule by foreign pressure,” ‘ika niya. 

“So yes, they may hold their hearings. They may read their scripts. They may pat their backs and congratulate themselves. But here at home, we know one thing clearly— Philippine sovereignty is not up for confirmation,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: ICC prosecutor sa hearing laban kay FPRRD: 'Those in power are not above the law!'

KAUGNAY NA BALITA: War on drugs ni FPRRD, nagresulta ng pagkamatay ng libong sibilyan!—ICC Prosecution

Mc Vincent Mirabuna/Balita