February 23, 2026

Home BALITA National

PNP, alerto sa posibleng protesta sa pagdinig ng ICC sa mga kaso ni FPRRD!

PNP, alerto sa posibleng protesta sa pagdinig ng ICC sa mga kaso ni FPRRD!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

“Ang PNP ay walang kinikilingan…” 

Inilahad sa publiko ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda umano sila sa anomang mga kilos-protestang ikakasa ng ilang mga grupo sa gitna ng nakatakdang confirmation of charges ng International Criminal Court (ICC) sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ayon sa inilabas na ulat ng GMA News noong Linggo, Pebrero 22, 2026, sinabi ni PNP chief General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., nakapuwesto at handa na umano sila para masigurado ang kapayapaan sakali mang may magsagawa ng mga aktibidades sa mga pampublikong lugar sa gitna ng pagdinig ng ICC. 

“Our security measures are in place to ensure the peaceful conduct of any activity in public places,” pagsisimula niya. 

National

Erice sa posibleng alyansa ng LP, admin: 'Pati mga namatay naming leader, baka bumangon!'

Dagdag pa niya, “Regardless of the affiliation of the groups, our personnel will be there to protect their rights and maintain peace and order.” 

Ani Nartatez, mahigpit daw nilang oobserbahan ang pagsasagawa ng “maximum tolerance” at inatasan na rin daw nila ang mga opisyal ng kanilang hanay na maging propesyonal at iwasan ang komprontasyon sa mga magsasagawa ng kilos-protesta. 

“Maximum tolerance will be strictly observed, but the law will be upheld. Our personnel are instructed to remain professional and avoid any confrontation,” aniya. 

Hiling ni Nartatez sa publiko, huwag daw sanang hayaan ng mga tao na madala sila ng kanilang emosyon at mauwi ang kanilang ikakasang pagkilos sa sakitan at paglabag sa batas. 

Diin din niya, wala raw kinikilingan ang PNP para sa kapayapaan at seguridad ng taumbayan. 

“Huwag po sana tayong magpadala sa emosyon na maaaring maging dahilan ng sakitan at paglabag sa batas. Let us not bring the conflict to our streets,” saad niya. 

“Ang PNP ay walang kinikilingan; tayo ay para sa kapayapaan at seguridad ng bawat Pilipino,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng mga pagdinig ng ICC kaugnay confirmation of charges sa mga kasong kinakaharap ni FPRRD simula ngayong Lunes, Pebrero 23 hanggang Biyernes, Pebrero 27, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Karapatan Alliance PH sa 'di pagdalo ni FPRRD sa pagdinig ng ICC: 'Signos ito ng karuwagan!'

KAUGNAY NA BALITA: 'In-person family visits' bawal muna kay FPRRD habang may hearing

Mc Vincent Mirabuna/Balita