February 23, 2026

Home BALITA

Nakaraos ba? Rave, Fred inurirat kung natiis pigilan ang ‘usual na ginagawa ng mga lalaki’

Nakaraos ba? Rave, Fred inurirat kung natiis pigilan ang ‘usual na ginagawa ng mga lalaki’

Sinagot nina dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” housemates Rave Victoria at Fred Moser ang tanong ni showbiz insider Ogie Diaz kung nagawa ba nilang tiisin ang “tawag ng kalikasan” habang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. 

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Rave na hindi raw niya naisip magsariling-sikap noong housemate pa siya.

Usisa ni Ogie, “Was there a time, siyempre, mga lalaki ‘tong mga ‘to, na hindi kayo nakatiis? [...] Siyempre ‘yong tawag ng kalikasan….the usual na ginagawa ng lalaki, pinigilan n’yo ba ‘yong sarili n’yo?”

“Hindi ko po siya naisip talaga noon. Kasi nage-enjoy po ako noon, e. Saka lagi akong may kausap, e. So hindi po siya sumagi sa isip ko,” saad ni Rave.

Sabi naman ni Fred, “Gano’n din sa akin. Hindi ko rin naisip.”

National

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'

Ayon kay Ogie, mayroon na rin daw kasing insidenteng may housemate na hindi nakatiis magparaos ng init sa katawan. 

Samantala, hindi naman umano naiilang ang dalawang housemate sa camera na nakalagay sa loob ng banyo. 

Matatandaang minsan na ring inamin ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca na naliligo siya sa banyo ng Bahay ni Kuya nang nakaharap sa camera.

Pero paniniyak ng showbiz insider, ligtas naman ang mga footage sa pangangalaga ng pamunuan ng PBB.

Kaugnay na Balita: Mika Salamanca, nakaharap sa cam kapag naliligo noon sa Bahay ni Kuya